Tumama ang 5.2-magnitude na lindol sa karagatan ng Batanes nitong Sabado ng gabi.

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na naitala ang pagyanig sa ilalim ng dagat dakong 9:53 ng gabi.

Aabot sa 29 kilometro ang nilikha ng lalim na ang sentro ay natukoy sa layong 40 kilometro ng hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Naramdaman naman ang Intensity 3 sa Basco.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Walang inaasahang napinsala sa lindol na inaasahang lilikha ng aftershocks.