Hiniling ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles sa Philippine Sports Commission (PSC) na huwag nang bigyan ng pondo ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kasunod ng hindi pag-endorso kay Filipino Olympian at world No. 5 EJ Obiena sa World Indoor Championships (WIC).
Ipinaliwanag ng kongresista, hindi na dapat ituloy ang pagbibigay ng pondo sa PATAFA dahil pagsasayang lamang umano ito ng buwis ng taumbayan.
Aniya, ang hindi pag-eendorsokay Obiena sa WIC ay pagpapakita lamang na ang PATAFA ay "hindi para sa kapakanan ng Philippine sports."
"The PSC should stop funding PATAFA and direct all support to individual athletes. PATAFA has lost all the moral right to represent the Philippines as an NSA because of its action against Obiena. We are just wasting taxpayers’ money on PATAFA,” aniya.
Nanawagan din si Nograles sa mgagovernment institutions katulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office na huwag nang magbigay ng suporta sa PATAFA.
Noong Marso 8, hindi isinama ng PATAFA si Obiena sa listahan para sa sasabak saSoutheast Asian Games kung kaya hindi rin ito inendorso sa WIC.