Nilinaw ni Pasig Mayor Vico Sotto na hindi matutuloy ang campaign rally para kay Vice President Leni Robredo sa city hall quadrangle ngayong buwan.

Ito, ayon kay Sotto, ay dahil hindi bukas ang naturang lugar para sa anumang political rally.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Sotto sa kanyang Twitter account nitong Linggo bilang tugon sa isa sa mga campaign posters ng "Payanig sa Pasig" ni Robredo, na nag-viral noon pang nakaraang linggo.

Sa naturang campaign poster, nakasaad na idaraos ang ‘Payanig sa Pasig’ ni Robredo, ganap na alas-5:00 ng hapon sa Marso 20, 2022, sa Pasig City Hall Quadrangle.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Not true. Pasig City Hall premises, including quadrangle, are NOT open for any political rally," sagot ng alkalde sa deleted tweet ng isang netizen.

screengrab mula sa Twitter ni Vico Sotto

Ani Sotto, kahit siya pa mismo ang mag-aplay ng rally sa naturang lugar ay hindi siya bibigyan ng permit ng city hall.

Sinabihan na rin naman aniya nila ang mga campaign organizers na magdaos na lamang ng kanilang event sa ibang lugar dahil mayroon namang mas malalaking espasyo na available para sa kanila at bukas ito para sa lahat ng mga kandidato.

“Kahit mayor ang mag-apply, di bibigyan ng permit,” ani Sotto.

“We told those applying for a permit, try the plazas/open streets. They are the biggest spaces available, and open to all candidates,” dagdag pa niya.