Ibinahagi ni Dexter de Guzman, anak ni presidential bet at Labor leader Ka-Leody de Guzman, na hindi naging isyu sa kanyang ama ang pag-"come out" o pagiging "gay" niya.
Sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa episode series nito na "The Interviews with the Wives and Children of the 2022 Presidential Candidates," na umere noong Lunes, Marso 7, sinabi niyang wala siyang naranasan na diskriminasyon mula sa kanyang mga kaibigan at sa pamilya.
Nagtaka rin siya kung bakit siya naattract sa same sex o sa lalaki kahit na napapaligiran siya ng mga childhood friends niya na mga lalaki rin.
"Ako nga Tito Boy nagtataka rin eh. Kasi lumaki ako surrounded ako ng childhood friends ko lahat kami lalaki, the usual, nagba-bike, naglalaro ng playstation, video games, Beyblade, Tamiya. Then parang mid-high schoolparang sabi ko iba, parang na-aattract ako sa same sex or sa lalaki," ani Dexter.
"Part of growing up, never naman akong naka-experience ng discrimination sa friends, sa family, o lalong-lalo na sa father ko, kay tatay wala naman," dagdag pa niya.
"Napaka sinuportahan naman niya ako kung ano yung pinili ko, choices ko in life," saad pa niya.
Tinanong ni Boy Abunda kung kailan ito naging klaro na young gay boy si Dexter sa mga magulang niya.
"Hindi ko rin masabi, kasi 'di rin nila ako tinanong... Siguro may idea na sila, alam na nila and hindi ko na-experience na magsabi sa kanila, 'yun nga coming out na mommy, tatay, I'm gay. Wala namang nangyari na ganoon. Walang naging issue," ani pa niya.
Ibinahagi rin ni Dexter na dinala niya ang kanyang first boyfriend sa kanilang bahay noong nakapagtapos siya ng kolehiyo.
"Naaalala ko ata sa una, pinakilala ko as friend pero alam ko naman na alam nila na partner ko ‘yun, boyfriend ko ‘yun," aniya."Yun yung gusto ko pang isang sabihin na napaka-comfortable ng family ko kung ano yung ginagawa ko, or sa relationship, kung ano ko," dagdag pa niya.