Trending ngayon sa social media ang tinaguriang 'real life Ibong Adarna' na nakuhanan sa Semirara Island, Antique.
Sa kuha ni Ricardo Go, ibinahagi nito ang kanyang rare experience na makasalamuha ang nasabing ibon.
"In my 27 years of experience, this is the first time I saw this bird called "Ibong Adarna" with my own eyes. This photo was taken at Semirara Island Aviary," pagkamangha ni Go.
Aniya, mailap ang ibon. "Hindi po siya friendly!"
Kahit taong 2019 pa ang post ni Go, nadadagan pa rin ang nagshe-share ng in-upload nitong larawan, na ngayon ay umani na ng 37K likes sa Facebook.
Ang ibong nakuhanan ni Go ay tinatawag na Golden Phesant (Chrysolophus pictus), na kilala rin bilang Chinese pheasant at rainbow pheasant, na karaniwan namang nakikita sa bulubunduking bahagi ng Western China.
Ang ganitong uri ng ibon ay bihirang makita sa bansa.
Ang pangalan nito ay hango sa Ancient Green na "khrusolophos" o "with golden crest" at "pictus" na sa Latin ay "painted" o "to paint."