Heads up, fur parents!
Ilang oras bago salubungin ang 2022, isang seryosong sitwasyon ang maaaring kaharapin na pagkabalisa ng mga alagang aso dulot ng maingay, magarbo at malapiyestang salubong.
Upang manatiling kalmado at ligtas sa banta ng anxiety attacks ang mga furbaby, ang “dog anxiety wrap” ay isang madali at epektibong paraan upang masigurong protektado at ligtas sila sa nalalapit na salubong.
Ang method na ito ay napakasimple lang at kinabibilangan ng malumanay na pagbabalot ng alagang furbaby sa isang scarf o maluwag na banda kapag naramdaman ang kanilang pagkabalisa o takot.
Sa pamamagitan ng scarf o banda na sapat ang haba upang magkasya sa alagang aso, narito ang tamang pagsusuot nito sa mga furbaby:
1. Kunin ang isang pirasong tela o banda. Hawakan ito sa harap ng dibdib ng iyong aso.
2. Ibalot ito sa likod ng alagang aso at pa-krus na ilusot sa shoulder blades nito.
3. Huwag itong ibalot sa kanilang leeg.
4.Ilagay ang magkabilang dulo ng banda sa ilalim ng dibdib o tiyan ng alagang aso at muling pa-krus na ilusot ito sa kaniyang likuran.
5. Siguraduhing nakatali nang sapat na higpit ang tela sa alagang ago..
Ang bandang nakabalot sa aso ay magbibigay sa kanila ng komportable, at ligtas na pakiramdam na katumbas ng isang mahigpit na yakap. Makatutulong ito sa kanila para huminahon at maiwasan ang labis na kaba o takot lalo na dahil sa malalakas na paputok, at paingay sa pagsalubong ng bagong taon.