Timbog ang isang lalaki na number 1 provincial most wanted sa Eastern Samar nang mahuli ito noong Disyembre 21 sa Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Christian Quilim, 42, signage maker, naninirahan sa Davis Street ng nasabing lungsod.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa report ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District si Quilim ay Number 1 most wanted sa Eastern Samar dahil sa kasong Rape Under Article 266 -B (1) Criminal Case Number400-11-06, matapos gahasain umano ang kanyang kapitbahay mahigit isangtaon na ang nakalilipas.

Bago ang pagkakadakip sa akusado, nakipag-ugnayan sa DSOU si PLT. Edgardo Sicay ng Eastern Samar Police Provincial Office, matapos makakuha ng impormasyon na nagtatago umano sa Malabon City si Quilim.

Sa tulong ng confidential informant, natukoy kung saan nagtatago ang suspek.

Dala ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Filotea M. Estorinos ng RTC 8THJudicial Region Dolores, Eastern Samar na may petsang Agosto 8, 2021.Nang puntahan sa kanyang lugar si Quilim, wala ito sa kanyang bahay.

Naghintay ng halos dalawang oras ang mga parak hanggang sa makita nilang naglalakad ang suspek sa gilid ng San Bartolome Church sa kahabaan ng San Agustin Street, Malabon City, kaya naman kaagad itong inaresto.

Dinala sa NPD Custodial Facility si Quilim at inaayos pa ang papeles nito para dalhin sa Eastern Samar para sa paglilitis sa kanyang kaso.

Orly L. Barcala