Pitong taon na pala ang pagsasama bilang mag-asawa nina Chito Miranda at Neri Naig, at biniyayaan na sila ng dalawang anak. Kaya naman, kinakiligan at pinusuan ng mga netizen ang palitan nila ng sweet messages sa isa't isa sa Instagram.

"Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much!" pagbati ni Neri sa kaniyang mister na lead vocalist ng Parokya ni Edgar.

"You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa."

"Thank you for making us happy EVERYDAY. Palagi mo kaming pinapatawa at hindi mo nakakalimutang ipakita kung gaano mo kami kamahal."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Biro ni Neri, matibay raw ang helmet sa kaniyang ulo kaya hindi siya 'nauntog' sa kanilang relasyon.

"SEVEN YEARS NA? WOW! Matibay-tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita!!!"

Chito, Neri, Miggy, Cash, at Pia Miranda (Larawan mula sa IG/Neri Naig-Miranda)

At syempre, hindi naman nagpahuli si Chito. Nagbigay rin siya ng sweet message para sa misis na unang nakilala bilang contestant sa season 1 ng 'Star Circle Quest' noong 2004.

"I just love having a family. Sobrang enjoy lang. Para kang may permanent barkada na kapakanan at kaligayahan lang nila ang priority mo. It makes everything in life so simple," ani Chito sa kaniyang IG post.

"I had no idea it would be this much fun."

"Well, actually, sinabihan na ako dati ng pinsan ko na super saya nga daw, pero I guess wala pa sa sistema ko dati kasi I was young, and had different priorities. Kanya-kanyang timing lang talaga, I guess…and you should never let anyone (including your parents at yung makulit mo na Tita), rush you into things."

"Yung mga tipong 'O… bakit di ka pa mag-asawa?" or 'O…di pa ba kayo magbe-baby?"

"You'll know when you're ready."

"And when you eventually are, sobrang saya ng experience kasi yun na mismo yung gusto mo sa buhay."

"Kung hindi pareho yung trip mo sa trip ng iba, at may iba kang gusto sa buhay (example, maging single for life at mag-travel lang forever), don't let anyone pressure you into doing something else."

"Life should be fun, at ikaw lang ang tanging nakakaalam at makakapagsabi kung ano ang magpapasaya sa'yo."

Chito, Neri, Miggy, at Pia Miranda (Larawan mula sa IG/Chito Miranda)

Marami naman sa mga netizen ang napatanong kung sino ang batang babaeng kasama nila sa litrato. Alam kasi ng lahat na dalawa lamang ang anak nila simula nang ikasal sila: sina Miggy at Cash.

"She will soon be as we are in the process of making her ours, officially," pahayag ni Chito. Ang naturang teenage girl ay si Pia na pamangkin ni Neri at balak nilang ampunin sa legal na proseso.

“Thank you sa pagmahahal at pagbati sa aming anibersayo. Ramdam ko ang pagmamahal po ninyo. At sa mga Maritess, Pia is our daughter. Every child deserves a home and love. Period. Ok na? Gets na iyan? Grabe ang pagiging tsismosa ng ibang tao. Nahusgahan at nagawan na ng mga kuwento. Merry Christmas!" paglilinaw naman ni Neri.

Marami kasi ang nagbigay ng espekulasyon na anak ni Chito sa ibang babae si Pia, o kaya naman anak ni Neri sa ibang lalaki, ang bata.