Viral ngayon sa social media ang modelong si Julia Gwynyth Ostan matapos kumalat at mag-leak ang kaniyang mga scandal videos online, na umano ay ibinebenta niya.

Nauna nang maitampok si Julia sa award-winning magazine show na 'Kapuso Mo Jessica Soho' dahil bukod sa kaakit-akit niyang kaanyuan, kakaiba rin ang kulay ng kaniyang mga mata. Ang kaliwa niyang mata ay asul at ang kanan naman ay brown. Paglilinaw ni Julia, wala siyang lahing banyaga kundi may health condition na tinatawag na 'heterochromia'.

Julia Gwynyth Ostan/Screengrab mula sa YT/KMJS

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Ngunit nitong Disyembre 11 nga ay muli na naman siyang pinag-usapan dahil kumalat na nga ang mga sev video niya na pribado umano niyang ibinebenta at inilalako online.

Kaliwa't kanang batikos ang natanggap ni Julia mula sa mga netizen, ngunit may mga nagtanggol naman sa kaniya at nagsabing walang karapatan ang sinuman upang husgahan ang ginawa ni Julia.

Samantala, isang Twitter account naman na may pangalang 'Julia Gwynyth Ostan' ang tila nagpapaliwanag ng panig tungkol dito.

"Sobrang kinailangan ko lang po ng pera at wala na po akong maisip na ibang paraan that time… sorry po sa mga fans ko, alam kong mali yung nagawa ko, wala na po akong maisip na dahilan, sobrang depressed na po ako at ang pamilya ko sa nangyayari ngayon," ayon sa tweet.

Sa isa pang tweet, "Minsan kaylangan mong kumapit sa patalim para sa mahal mo sa buhay, kahit ikasira ko pa o ikamatay ok lang sa akin para sa pamilya ko."

Julia Gwynyth Ostan/Screengrab mula sa Twitter

Narito pa ang ilang tweets mula sa Twitter account na 'Julia Gwynyth Ostan'.

"I hope everything will be back to normal na ang hirap na kasi sa pakiramdam eh."

"Sa nagpakalat po ng video ko you'll never get away with this. Alam mo kung sino ka. God bless you!"

"I really don't know what to do rin, someone DM me. Mag-suicide na lang daw ako, should I?"

"I’m hurt but I won’t complain because I know I’ll bother people with my problems."

"But the truth is a lot of people see the bad things I have done because it was known but lahat naman tayo may mali 'di ba?"

"Maraming salamat po sa mga nagbibigay ng lakas ng loob sa akin na-appreciate ko po lahat ng good comments n'yo, alam ko po mostly dito tingin sa akin sobrang duming babae, same din po tingin ko sa sarili ko now…"

"Ulitin ko po, maraming-maraming salamat po sa mga nagbibigay lakas loob sa akin, na-appreciate ko po lahat ng mga good comments n'yo, lang po ako nagkakamali rin, pagpasensyahan n'yo na po ako dahil nadismaya ko kayong lahat, sorry po talaga lalong-lalo na sa pamilya ko, kaibigan ko."

Julia Gwynyth Ostan/Screengrab mula sa Twitter

Samantala, nag-deactivate naman si Julia ng kaniyang mga social media account kaya nagtataka ang mga netizen sa mga naglalabasang tweets mula sa naturang Twitter account na nagpapaliwanag sa kaniyang panig.

Wala pa ring kumpirmasyon si Julia kung siya nga ba talaga ang nasa kumakalat na scandal videos, at kung siya rin ba ang totoong may-ari ng Twitter account na nagpapaliwanag na kaya niya ginawa ito ay dahil umano sa kagipitan sa pera.

Inaabangan pa kung magsasampa siya ng kaso laban sa nagpakalat ng kaniyang mga sex video.