Nais ni Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na gawing susunod na food basket ng bansa ang Mindanao.

Ayon sa Marcos-Duterte tandem, na tinawag na BBM-Sara Uniteam, na ang Mindanao ang dapat manguna sa kalakalang pang-agrikultura sa bansa dahil ang one-third na lupain nito ay nakatuon sa agrikultura.

Tiniyak nila na palalakasin nila ang Mindanao upang maging susunod na food basket ng bansa upang tulungan ang rehiyon na makabangon mula sa pagbagsak ng ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic.

“Bagama’t ang Mindanao ang itinuturing na isa sa pinakamahirap na isla sa bansa. Ito naman ang maituturing na pinakamayaman pagdating sa mga natural resources. Kaya nararapat lamang na pagyamanin natin at palakasin ito nang maisakatuparan nating maging food basket ito ng bansa," ayon sa Partido Federal ng Pilipinas-Lakas CMD bets.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kasalukuyang, nagbibigay ng 40% ng suplay ng pagkain ang Mindanao at higit 30% sa pambansang kalakalan ng pagkain, ay itinuturing na strategic food basket ng Pilipinas.

“Malakas ang potensyal ng Mindanao dahil sa mayaman nitong lupa at magandang klima kaya nararapat lamang mapalakas ito para na rin sa pagbangon ng rehiyon na matindi ring tinamaan ang ekonomiya dahil sa Covid-19," ayon sa Bongbong-Sara tandem.

Binanggit ng BBM-Sara Uniteam na ang Bukidnon ang kilalang pinagmumulan ng pagkain sa hilagang Mindanao dahil ito ang pangunahin producer ng palay, mais, at tubo.

“Kilala ang Mindanao na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng palay, mais, saging, cacao at niyog. Kung matututukan natin ito at mas lalo pang palakasin ang produksyon walang duda na kayang-kayang makabangon ng Mindanao," ayon sa tandem.

“Sa halip na tayo ang nag-iimport ng mga produkto sa ibang mas mayayamang bansa, dapat tayo ang nag-eexport sa kanila dahil napakalaki ng potential ng mga agricultural land sa Mindanao," dagdag pa nila.

Melvin Sarangay