Tinawag na "nuisance" ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nitong Huwebes, Nob. 18, ang bagong disqualification petition na inihain laban sa dating senador.

“As anticipated, the saga of those pushing for gutter politics continues with another nuisance petition filed before the Comelec (Commission on Elections) by some alleged communist frontliners,” ayon sa pahayag ni Vic Rodriguez, spokesman at lawyer ni Marcos.

“These are cheap political gimmicks from the same people who do not want the country to move ahead and get out of the pandemic. They refuse to elevate political discourse and instead resort to dirty campaigning, character assassination, and mudslinging," dagdag pa ni Rodriguez na sinabing walang hurisdiksyon ang Comelec na suriin, baguhin, o ipasawalang-bisa ang desisyon ng Court of Appeals.

“Elections are fought and won on election day through the ballots. And surveys or voters’ test polls are the gauge of the candidates’ standing and a guide to win the electorate,” pagdidiin ni Rodriguez.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“For Presidential aspirant Bongbong Marcos and the BBM-SARA Uniteam, this election is all about the future, the future of every Filipino, and the future of our beloved country," aniya pa.

Samantala, nauna nang sinabi ni Marcos na wala siyang planong bawiin angkanyang kandidatura sa pagkapangulo sa kabila ng pagsusumite ng ilang grupo at personalidad ng mga petisyong naglalalayong kanselahin o tanggihan ang kanyang COC dahil sa umano'y "false material representation," na nag-ugat sa tax evasion case umano ng dating senador kung saan ito na-convict noong 1995.