Asahan na umano ang pag-upo ng mga ‘young blood’ o mga batang opisyal sa gobyerno kung si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno ang palaring maging susunod na pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Moreno, mangangailangan siya ng mga taongmabilis magtrabaho at kayang sumabay sa takbo ng panahon kaya’t mga batang opisyal ang kanyang itatalaga sa mga posisyon sa pamahalaan.
“Wag kayo mag-alala. Sa gobyerno ko, pabataan, hindi patandaan ha. Kasi you have to catch up with me. Me masama akong habit.Bihira ako matulog,” mensahe pa ng alkalde, nang bumisita siya nitong weekend sa Cebu.
Paliwanag niya, gusto niya na mga bata ang makasama niya na magpapatakbo sa gobyernopara makasabay sa takbo ng panahon.
Iginiit din niya na sa uri ng kanilang trabaho ay kailangan na naroon ang pagnanais na makapaglingkod sa mga mamamayan ng may puso.
Binigyang-diin din ng alkalde na mahalaga rin ang mayroong karanasan dahil buhay at kinabukasan ng mga Filipino ang nakataya.
“For the first time, makakatsamba kayo baka puro bata ang sekretaryo ng bansa. Kasi kung una pa siyang natutulog sa akin,problema ‘yun.Ang gobyerno natin, di ko maipapangakong walang tulugan. Si Kuya Germs lang ‘yun. Matutulog din ako pero sinisigurado ko, ang gobyerno natin maaga, hindi madaling araw,” aniya pa.
Ipinangako din niya na ang klase ng kanyang gobyerno ay maagang magsisimula ng kanilang trabaho at maari din mag-round-the-clock kung kinakailangan.
“It’s going to be fast, literally “Bilis Kilos" which is why I will be needing people who are really into it and who are result-oriented.‘Yung makakasabay sa akin,” aniya pa.
Matatandaang ang campaign slogan ni Moreno na #BilisKilos ay base sa mabilis na kilos at pagtatrabaho na kanyang ginagawa sa Maynila.
Maliban naman sa mga kabataan, sinabi rin ni Moreno na kakailanganin niya ang serbisyo ngLGBT community.
Ayon kay Moreno, wala siyang pakialam sa kasarian ng isang tao dahil ang mahalaga ay ang kasanayan sa trabaho, kagustuhang at may pusong maglingkod sa bansa.
Mary Ann Santiago