Kinapanayam ni King of Talk Boy Abunda si Kapamilya actress Maymay Entrata kung ano ang natutuhan nito sa loob ng 5 taon sa showbiz, sa online show na 'The Best Talk' na umere sa ABS-CBN Entertainment.

Una, naging confident o tiwala umano siya sa kung anuman ang mayroon sa kaniyang pagkatao. Hindi lamang umano strength o mga kalakasan niya ang tinanggap niya kundi maging ang kaniyang mga weaknesses o kahinaan.

"Masaya ako kasi umabot talaga sa point, Tito Boy, na natanggap ko kung sino ako ngayon, at kung sino ako dati. At dahil doon, nag-lead siya into something na hindi ko na kailangang mag-seek ng approval ng ibang tao. Kasi iyon po yung nangyari dati eh, ahm, simula noong bago pa lang ako sa showbiz, lagi akong nagsi-seek ng approval, kung ano yung gusto nilang maging ako, iyon ang gagawin ko kasi doon sila masaya," pag-amin ni Maymay.

Sa kakahingi ng approval o pagsang-ayon sa mga tao, naging 'people pleaser' umano siya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Pero doon ako nawala (tawa), kasi naging people pleaser ako. Napaka-dangerous pala n'on sir kasi parang hindi ka lang naging totoo sa mga tao, hindi ka naging totoo sa sarili mo… kaya ang pinakanatutuhan ko po ay hindi ko na hahayaan kung ano yung approval sa kung ano ang gusto nilang ako, dahil para sa akin, yung pagiging simpleng ako ay enough na iyon para sa akin, at dahil doon ay nag-create siya ng parang confidence po sa sarili kong abilidad na kung saan ay malaking impact din pala iyon sa mga tao na sumusuporta sa akin lalo na kapag totoo ka sa sarili mo at sa mga tao."