May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Angpao ni Michelle, iniisyung may resibo ng 'threesome;' abogado, umalma!

Angpao ni Michelle, iniisyung may resibo ng 'threesome;' abogado, umalma!
Photo courtesy: Michelle Dee (FB)/Freepik

Nagsalita ang legal counsel ng Kapuso star at beauty queen na si Michelle Dee laban sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y laman ng angpao na sinasabing kinuha umano ng driver ng kaibigang si Rhian Ramos, na naging dahilan naman daw kung bakit siya inireklamo ng torture at serious illegal detention.

Bukod kay Michelle, kinasuhan din ng driver ang mismong among si Rhian, gayundin ang isa pang beauty queen na si Sam Panlilio.

Tila gumana ang malikot na imahinasyon ng mga netizen sa laman ng angpao, na sinasabi sa mga ulat na "sensitibong larawan" daw.

May mga nagpapakalat na social media personalities at content creators na kesyo ebidensya raw ito ng "threesome sex activities."

Dahil dito, naglabas ng opisyal na pahayag ang abogado ni Dee na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, matapos umano siyang i-chat sa Messenger ng showbiz news writer at editor na si Jun Lalin mula sa isang pahayagang lokal.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Tahasang pinabulaanan ng abogado ang mga malisyosong intrigang pumapalibot patungkol sa kaniyang kliyente, gayundin sa nabanggit na angpao.

Una na raw nilang sinabing sensitibo ang laman ng angpao pero hindi raw ibig sabihing tungkol sa tatluhang sekswal na gawain ito.

“Huwag po sana tayong manghusga na walang batayan at ikakasira ng mga personalidad na nabanggit," saad pa raw ng abogado.

Hindi naman nabanggit ng legal counsel kung magsasampa naman sila ng kaso sa mga nagpapakalat ng malisyosong fake news laban sa kaniyang kliyente.

Ang abogado rin ang nagsalita sa publiko matapos lumabas ang panayam ng driver ni Rhian sa mga ulat at balita.

Kaugnay na Balita: Rhian Ramos, Michelle Dee inireklamo ng umano'y illegal detention; abogado, nagsalita!

Kaugnay na Balita: Michelle Dee, kinasuhan ng qualified theft ang driver ng kaibigang si Rhian Ramos!

Kaugnay na Balita: Driver ni Rhian tumalon sa 39th floor ng condo, napunta sa 25th floor dahil sa lubid!