Apat na katao na pamumunuan ng Filipina-Japanese karateka na si Junna Tsukii ang isasabak ng bansa sa World Championships sa Dubai sa susunod na buwan.
Kasalukuyang nasa No. 2 spot sa world ranking, si Tsukii ay sasamahan ng kapwa niya 2019 Southeast Asian Games gold medalist na si Jamie Lim at mga kata athletes na sina Sarah Pangilinan at Joco Vasquez.
Ang world championships ay gaganapin sa Nobyembre 16-21 sa Hamdam Sports Complex sa Dubai, United Arab Emirates.
Sasabak ang 30-anyos na si Tsukii sa women’s kumite 50-kg class kung saan siya nagwagi ng gold noong 2019 SEA Games at bronze noong 2018 Asian Games.
Bumaba naman si Lim sa women's kumite -61 division buhat sa dati niyang weight class na +61kg category habang sina Pangilinan at Vazquez ay sasalang sa women’s at men’s individual kata.
Dulot ng pandemic at kakulangan ng pondo kung kaya apat na atleta lamang na may malaking tsansang manalo ang kanilang ipadadalasa Dubai, ayon kay Karate Pilipinas Sports Federation president Richard Lim.
Sa Nobyembre 11 na nakatakdang umalis patungong Dubai ang nasabing 4-man karatedo team.
Marivic Awitan