Hahawakan ng dating Australian player na si Alen Stajcic ang national women's football team nang kunin ito bilang coach ng koponan.

Si Stajcic ang ipinalit ng Philippine Football Federation kay dating coach Marlon Maro, na naghatid sa nationals sa ikalawang beses na AFC Asian Cup appearance nito matapos nilang walisin ang nakaraang AFC Women’s Asian Cup qualifiers na idinaos sa Tashkent, Uzbekistan noong nakaraang buwan.

“We are thrilled that Alen Stajcic has accepted the position to be the head coach of the Philippine Women’s National Team,” ayon kay PFF president Mariano Araneta.

“His appointment shows the commitment and determination of the PFF to give our women’s national team the best possible chance to qualify for the FIFA Women’s World Cup.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Limang taon ding nagsilbi si Stajcic bilang head coach ng Australian women’s national team, kung saan nag-qualify ang koponan sa 2015 at 2019 FIFA Women’s World Cup, gayundin sa Rio 2016 Summer Olympics kung saan umabot sila ng quarterfinals.

Marivic Awitan