Ipinag-utos ng municipal government ng Taytay Rizal ang pitong-araw na pagsasara ng lahat ng pribado at pampublikong sementeryo, memorial parks, columbaries at repositories of urn simula Oktubre 29.

Sa ilalim ng Executive Order No. 164 Series of 2021, dinirektahan ni Mayor George Ricardo R. Gacula II ang pagsasara ng mga nabanggit na lugar mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4.

Sa mga pupunta naman bago ang petsa ng pagsasara, hanggang dalawang indibidwal lang ang pinapayagan sa mga grave site at limitado hanggang isang oras lang ang pananatili sa loob upang masunod ang 30 percent visitor capacity.

Papayagan ang misa sa mga gravesites ngunit sa pamamagitan lang ng isang live streaming at tanging ang religious person na magsasagawa ng misa at technical staff na mag-ooperate ng live ang papayagan na makapasok sa sementeryo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi papayagang makapasok sa sementeryo ang mga menor de edad, edad 60 taong-gulang, buntis na may immunodeficiency o comorbidity.

Haharangin naman ang mga pagkain o inumin, kandila, bulaklak at mga kagamitan para sa laro o sugal dahil nananatiling bawal pa rin ang mga ito.

Sakop din ng executive order ni Gacula ang pagbabawal sa paglulunsad ng Halloween activities sa mga pampublikong lugar.

Nel Andrade