Nagsagawa ng "pink caravan" ang mga volunteers mula sa Bicol nitong Sabado, Oktubre 16, upang magpakita ng suporta sa opposition leader na si Vice President Leni Robredo para sa 2022 polls.
Nagsimula ang caravan dakong 7:30 ng umaga sa Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Masbate, Camarines Sur, at Sorsogo
Nagsimula ang caravan sa Naga, na kung saan ipinanganak at lumaki si Robredo, mga dakong alas-8 ng umaga. Dumaan ito sa St. Joseph School Road patungo sa Jesse M. Robredo Museum sa Taal Avenue.
Kulay pink ang naging hindi sinasadyang campaign color para kay Robredo matapos magkasundo ang mga taga suporta niya na magsuot ng kulay pnk at nagtali ng pink ribbon sa mga gates at kotse nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang kandidatura noong Huwebes, Oktubre 7.
Pinasalamatan ng Bise Presidente ang mga organizers ng "volunteer-driven" caravan.
Sa Linggo, magsasagawa rin ng caravan ang mga supporters ni Robredo sa Rizal at Laguna upang suportahan ang kandidatura ng bise presidente.
Ang motorcade naman ng mga taga suporta ni Robredo sa Rizal ay magsisimula ng alas-7 sa Pinagmisahan Road sa Antipolo City, at dadaan sa bayan ng Angono, Binangonan, Taytay at Cainta.
Sa Laguna naman, tinawag nilang "Laguna Caravan para sa Tamang Laban" ang kanilang caravan.
Samantala, ang mga miyembro ng "Riders for Leni" ay inaasahang magsasagawa ng caravan sa Malolos, Maynila, Pasig, at Taytay, Rizal sa weekends habang ang "F1rst ko Si Leni" ay magsasagawa ng aktibidad sa Metro Manila.
Raymund Antonio