Pumalag si dating Senador Antonio Trillanes IV sa patutsada ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo kaugnay sa mga dahilan ng kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo.

Ayon kay Trillanes, kailanman ay hindi naging parte ng oposisyon si Moreno, sa kabila ng mga pamumuna nito sa Duterte administration.

“He (Moreno) was never with us from the beginning. All this projection that he could be sold as part of the opposition is just a front. And that he was just trying to play both sides of the political aisle,” pahayag ni Trillanes sa isang television interview.

Nagiging lantad si Trillanes sa pamumuna sa alkalde, na unang binanggit ng opposition coalition 1Sambayan na magiging kandidato nila sa pagka-pangulo sakaling hindi tatakbo si Robredo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“That’s what I’ve been telling that he was never with us in the opposition. Because kung nasa opposition ka, you wouldn’t even utter those words, much less to the Vice President,” ani Trillanes.

“You can see that it’s going to be part of their propaganda or vilification campaign against the Vice President,” dagdag pa ng dating senador.

Binatikos din nito si Moreno sa paggamit ng salitang "yellowtard" na tumutukoy sa mga tagasuporta ng pamilyang Aquino maging ni Robredo.

Ang "Yellowtard" o "Dilawan" ang ginagamit na termino ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito maging ang mga tagasuporta niya sa mga nagiging kritiko ng kanyang administrasyon.

“You would have to be a die-hard Duterte supporter for you to even come up with such words. Maliwanag na sa lahat na, all that illusion that this guy is in the middle and courting the moderates, wala ‘yun. Pagpapanggap ‘yun. So, I'm glad na nag-out na siya this early,” ani Trillanes.

Inatake ni Moreno si Robredo dahil sa isa sa mga rason nito sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo ay ang naging pahayagng una "dapat ay bigyan ng pagkakataon" si dating Senator Bongbong Marcos na kumandidatosa pagka-presidente sa kabila ng "pagmamalupit" ng ama nito na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong nasa posisyon pa ito.

“Kung ina-idolize niya ‘yung diktador na Marcos, ‘yun din ang mangyayari pag nakaupo na siya. Gagamitin din niya ‘yung mga taktika na ginamit ni Marcos nung panahon ng martial law," ayon pa kay Trillanes.

Raymund Antonio