Isang practice video ng kantang MAPA ng five-member Ppop SB19 ang in-upload sa Youtube ngayong Miyerkules, Setyembre 22, kung saan ipinamalas ng grupo ang kanilang nakabibilib na raw vocals.
Sa video upload ng A’TIN Bicolana, makikita ang black and white footage ng grupo habang nagsasanay kantahin ang sikat na original song nilang MAPA.
Mapapansing nasa isang studio sila dahilan para lumitaw ang vocals ng grupo.
Wala mang mikropono, nangibabaw ang parehong indibidwal na tunog ng bawat isa na lalong pinaganda ng swabeng harmony sa ilang piling parte ng kanta.
Hindi naman napigilan ng A’tin, tawag ng grupo sa kanilang fans, na magbahagi ng positibong komento.
“I love seeing videos like this. The evolution of MaPa. Talagang lahat iba iba every live performance. Eargasm talaga pagkanta nyo, MAHALIMA!” saad ng isang fan.
“Grabe, they're just unbelievably good!” paglalahad ng isa pang A’tin.
“Practice video....wonder how lovely they sound on stage, performing?! Stell, your voice echoes as you sing,” dagdag ng isa pa.
Sa caption ng video, Abril ngayong taon kinunan ang nasabing practice video ng isang staff ng grupo na nagngangalang “Ate Rappl.”
Ang kantang Mapa ay parental anthem ng grupo na nagpapahayag ng pasasalamat at pagsukli ng isang anak sa mga sakripisyo ng kanyang magulang.
Umabot na sa halos 85 million views ang pinagsamang streams ng kanta sa Youtube at Facebook.