Hindi lamang isa kung hindi tatlong magkakapatid mula sa pamilya Avenido ng Cagayan De Oro City ang sabay-sabay na inordinahan bilang mga bagong pari.

Kinilala ang mga bagong pari na sina Jessie James, Jestonie, at Jerson Rey Avenido na inordinahan sa St. Augustine Cathedral, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Birheng Maria.

Larawan mula sa ABS-CBN News

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Sa homiliya ni CDO Archbishop Jose Cabantan, sinabi niya na marami ang namangha na tatlong magkakapatid na magkakasabay na nabasbasan bilang pari.

Giit pa niya, ito ang unang pagkakataon na mag-oordina siya ng tatlong magkakapatid nang sabay-sabay. Ito umano ay isang biyaya mula sa Diyos. Kasabay pa nito ang pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa bansa.

Ayon kay Jessie James, ang panganay sa magkakapatid, bunga ng sakripisyo at pagdarasal ng kanilang mga magulang at pamilya ang kanilang pagkapari. May tatlo pa silang nakababatang kapatid na hinihikayat nilang maging alagad na rin ng simbahan.

Larawan mula sa ABS-CBN News

Wala umanong namuwersa sa kanila upang gawin ito; bagkus, ito ay kusang-loob nila dulot ng pagnanais na mapaglingkuran ang Panginoon at ang simbahan.