Natawa na lamang at napakamot sa kaniyang ulo si Caelie Wilkes mula sa California nang matuklasan niyang ang halamang araw-araw na dinidiligan at inaalagan, hindi pala tunay na halaman, kung hindi plastik lang pala!

'Living a lie' ang peg ni Wilkes, na bagama't 2020 pa nangyari ito, ay patuloy na pinag-uusapan online. Palaisipan pa kasi sa mga netizens kung bakit sa hinahaba-haba raw kasi ng panahon, bakit hindi kaagad natuklasan na plastik lang pala ang halaman?

Ayon kay Wilkes, isang plain housewife, dinidiligan niya ang alagang halaman na succulent at hindi niya hinahayaang malanta. Nang binunot daw niya ang succulent upang ilipat sa ibang paso, nahirapan siyang tanggalin ito sa pinagtatamnang lumang paso. Nang mabasag ang lumang paso ay saka niya nakita at nalaman na hindi pala lupa ang pinagtatamnan nito kung hindi styrofoam na may buhangin na mukhang totoong lupa.

Batay sa kaniyang mga IG post ay 'certified plantita' si Wilkes kaya naman maaaring sa dami ng succulent na kaniyang inaalagaan, hindi na niya alam kung alin ang totoo sa plastik.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

"Love my plant baby even if they’re not real," nasabi na lamang niya sa caption ng kaniyang IG post.

Larawan mula sa IG/Caelie Wilkes

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Caelie Wilkes

Dahil sa nakatatawang pangyayaring ito, agad niya itong ibinahagi sa kaniyang Facebook account. Ang ending? Nakatanggap siya ng iba't ibang tunay na succulent na halaman mula sa iba't ibang mga sikat na home improvement store para hindi na siya madismaya sa kaniyang karanasan.

Samantala, natawa rin ang mga netizens na nakabasa ng balitang ito. Ang ilan ay nakapagbigay pa ng kani-kanilang mga 'hugot.'

"Parang yung friendship n'yo ng kaibigan mo... pinilit mong i-work out at palaguin. You end up knowing na plastic pala s'ya," sabi ng isa.

Turan naman ng isa, "Sa buhay ng tao, pwede din siya ihalintulad, bandang huli wala palang tiwala sa iyo kahit ibinibigay mo na ang lahat hehehe, 'yun pala plastic lang ang treatment sa iyo. HUGOT 101."

"Wala 'yan sa pinagkaiba sa nag-alaga ka at nagmahal ka ng taong akala mo totoo pero pina-prank ka lang pala. Chareng!" wika naman ng isa.