Bagamat walang nakuhang puntos sa huling qualification leg, pasok at sasabak pa rin si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa finals ng Wanda Diamond League sa Switzerland ngayong buwan.
Tumapos lamang na pangsampu si Obiena sa Memorial Van Damme noong Sabado sa King Baudouin Stadium sa Brussels, Belgium makaraang makatalon lamang ng 5.65 meters.
Kahit walang nakuhang puntos, nag-qualify pa rin si Obiena sa finals na gaganapin sa Switzerland dahil ang top 6 jumpers sa liga ang maglalaban sa kampeonato.
Nanguna sa huling qualification meet si Tokyo Olympic gold medalist Armand Duplantis ng Sweden na lundagin ang baras na itinaas sa 6.05 meters
Pumangalawa sa kanya si 2020 Summer Games silver medalist Chris Nilsen ng US na na-clear ang taas na 5.85 meters at pangatlo ang kapwa nito Amerikanong si KC Lightfoot na naka-clear don ng 5.85 meters, gayunman, bumaba sa ikatlong puwesto dahil sa count back.
Ang top 6 pole vaulters na magtutuos sa finals ay sina Duplantis (42 points), Sam Kendricks ng US (34), Nilsen (24 ), Obiena (16), Lightfoot (16) at 2012 London Games gold medalist Renaud Lavillenie ng France (12).
Gaganapin ang finals sa Setyembre 8-9 sa Stadion Lizegrund.
Marivic Awitan