Kasalukuyanng naghahanda ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para ipatupad ang ‘digital coronavirus vaccination certificate system.'

“Ang DICT ay kasalukuyang naghahanda para sa full implementation ng digital COVID-19 vaccination certificate system,” pahayag ni Gregorio Honasan II sa isang public briefing nitong Lunes, Agosto 2.

Unang inanunsyo ng ahensya nitong Hulyo ang napipintong pag-isyu ng coronavirus vaccine certificate ngayong “early August.”

Ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Rey Caintic ay naghihintay na lamang sila na makumpleto ng mga lokal na pamahalaan ang pagpasa nito ng mga vaccine recipient’s information sa verification database system.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Binigyan hanggang Hulyo 31 ang mga LGU upang maipasa sa database ng DICT ang listahan ng mga residenteng nabakunahan na.

Samantala, binanggit ng DICT chief na malapit na ring magawa ang vaccine information management system o VIMS.

“Ginagawa na ito. Meron tayong VIMS, yung vaccination information management system na ginagawa na natin,” pagbabahagi ni Honasan.

Nilinaw niya na ang tagumpay ng VIMS ay “depende rin sa kakayanan ng local government para hanapin ang data.”

Ayon sa datos ng pamahalaan, higit 9 milyong Pilipino na ang nabakunahan laban sa Covid-19.

Pagsisisiguroni Honasan, "Ang vaccination system natin ay in place na."

“Ang ginagawa lang natin ay sinisiguro natin na timely, accurate and complete information ang gagamitin natin na galing sa local government para desisyunan kung magla-lockdown ba o luluwagan."

Dagdag pa ni Honasan, “Ang ginagawa lang natin ay sinisiguro natin na timely, accurate and complete information ang gagamitin natin na galing sa local government para desisyunan kung magla-lockdown ba o luluwagan.”

John Aldrin Casinas