Sa wakas ay nakahablot na rin ng medalyang ginto ang Pilipinas nang manalo sa weightlifting si Hidilyn Diaz sa pagpapatuloy ng 2020 Tokyo Olympics sa Tokyo International Forum, nitong Lunes, Hulyo 26.

Napasakamay ni Diaz ang tagumpay sa 55-kilogram category.

Naungusan ni Diaz sina Liao Qiuyun, isang Chinese na world record holder, na nakasugkit lamang ng silver medal at Chinshanlo Zulfiya ng Kazakhstan na nakakuha lang ng bronze medal.

Ipinamalas ni  Diaz ang pinakamahusay na pagbuhat ng 97 kilograms kung saan nakagawa ito ng kabuuang 224kgs.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napaluha pa si Diaz nang makuha ang panalo sa tulong na rin ng kanyang “HD Team” na binubuo ng kanyang Chinese mentor na si Kaiwen Gao, strength and conditioning coach na si Julius Naranjo, psychologist nito na su Dr. Karen Trinindad at sports nutritionist na si Jeaneth Aro.

Sa kanyang pagkakapanalo, ito na ang ika-11 medalya ng Pilipinas mula nang sumali sa Olympics noong 1924.

Naging ikalawa na si Diaz sa atleta ng Pilipinas na nakahablot ng maraming Olympics medal, Una ay ang swimmer na siTeofilo Yldefonzo na nanalo ng bronze medal samen’s 200m breaststroke noong 1928 at 1932.