Pinatunayan ng Magnolia Hotshots na mabagsik ang kanilang point guard na si Paul Lee nang kumana ito ng 22 puntos sa pagpapataob sa crowd-favorite na Barangay Ginebra San Miguel sa kanilang laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, nitong Linggo ng gabi.

Sa iskor na 89-79, iniuwi ng Magnolia ang panalo upang ihatid ang koponan sa 3-0 talo at panalo at nagbigay naman sa Gin Kings sa 1-2 kartada.

Sumaklolo si Lee sa koponan nangibaba ng Ginebra ang kanilang kalamangan sa 65-49 sa ikatlong yugtong ng laro hanggang sa maidikitni Stanley Pringle ang laban sa 77-79 sa nalalabing 3:36 ng laro.

Gayunman, nagpupumilit pa rin ang Hotshots nangpumuntospa si Lee ng walo hanggang sa matapos ang laro.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumulong din sa pagkapanalo ng koponan sina IangSangalang, Calvin Abueva at Mark Barroca na makapuntos sila ng 17, 15, 15, ayon sa pagkakasunod.

Pinangunahan naman ni Pringle ang Ginebra sa iskor na 22, pitong rebounds at anim na assists, katulong sinaChristian Standhardinger na nakapuntosng 13, at 11 rebounds, Scottie Thompson at LA Tenorio, na kapwa umiskor ng 13.

Jeremiah Sevilla