Ikinabahala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tambak ng basurang bumara sa mga pumping station at drainage na nagresulta sapagbaha sa Metro Manila matapos maranasan ang matinding pag-ulan na dulot ng southwest monsoon o “habagat.”
Nalantad ang nasabing problema nang magsagawa ng inspeksyon ang grupo ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa San Andres Pumping Station sa Maynila.
Isinisi ni Abalos ang pagbaha sa walang habas na pagtatapon ng mga basura sa kalye, sa mga kanal, drainage systems, daluyan ng mga tubig o waterways nadidiretsosa pumping stations.
Dahil dito, nanawagan ito sa publiko na magkaroon ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura upang hindi na maulit ang insidente.
Bella Gamotea