Pinaplano umanong patalsikin si Senator Vicente "Tito" Sotto III bilang presidente ng Senado matapos niyang ianunsyo ang pagkandidato sa pagka-bise presidente.
Ito ang ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson, nitong Sabado at sinabing may pinaiikot sa mga senador na draft resolution na ipinonenteng isang sa miyembro ng Senate majority bloc na may layuning tanggalin si Sotto sa pagka-pangulo ng Senado.
“Meron gumagalaw sa mga kasamahan namin na gusto siyang palitan. Gustongmagpaikotpara sa signature…Siguro a draft resolution, tinitignan siguro kungaabotng 13," paglalahad ni Lacson.
Inihayag ni Lacson, mismongang isa sa staff ni Sotto ang nakakuha ng impormasyon habang sila nag-iikot sa ilang probinsya sa Luzon, kamakailan.
“‘Kesyo tatakbo akong VP, kailangan palitan na raw ako," ang sabi aniya ni Sotto sa kanya.
"I serve at the pleasure of my colleagues’, so I left it to them,” ang pahayag ni Sotto sa isang panayam.
Gayunman, duda si Lacson na umusad ang plano dahil naniniwala siya na karamihan sa kanyang mga kasamahan sa Senado ay sumusuporta pa rin kay Sotto.
Inihalimbawa nito si Senator Manny Pacquiao na kahit nasa Amerika ay tumawag pa rin ito sa kanila at nagsabing hindi pipirma sa sinasabing resolusyon.
“Sa ngayon, wala kaming nakikitang peligro na mapapalitan siya. Kasi maganda 'yung pamamalakad niya, eh — ewan ko may nag-iisip na kailangan palitan, kasi nga nagdeklara na tatakbo. Eh hindi naman naminpapabayaan‘yung aming trabaho sa Senate, makikita naman nila ‘yon," pagbibigay-diin pa ni Lacson.
Vanne Elaine Terrazola