Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID19) ang isang pari na namatay sa atake sa puso habang bumibisita sa KalookanCity Diocese nitong Sabado, kahit bakunado na ito.
Ito ang isinapubliko ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ang tinutukoy ay siFr. Manuel Jadraque, Jr., 58, ng Mission Society of the Philippines (MSP).
Natuklasananiyaito nanghilinginnito sa mga tauhan ng Caloocan City Medical Center na isailalim sa post-mortem swab test ang bangkay ni Jadraque upang madetermina sana ang sanhi ng ikinamatay nito.
“Sadly, the test result came out this evening and he was found to be positive of SARS-COV-2. We have no way of finding out if the heart attack had been triggered by Covid despite the fact that he had been fully vaccinated already. We also do not know which strain of covid it was,” paglalahad ni David.
Natagpuan si Jadraque na walang malay at namumutla sa loob ng sinasakyang tricycle na maghahatid sana sa kanya sa San Roque Cathedral mula Monumento, ayon na rin sa Facebook post ni David.
Dead on arrival si Jadraque sa nasabing ospital, ayon kay David.
"I called the MSP superior to break the sad news to him and he and his fellow MSPs were shocked because he seemed very healthy.Because of earlier known instances of COVID-related heart attacks," pahayag ni David.
Kaugnay nito, nanawagan si David sa city government ng Caloocan na isailalim sa genome sequencing ang laboratory specimen ni Jadraque upang madetermina ang variant na tumama sa kanya.
Idinagdag pa ni David na nitong Linggo, Hulyo 25, isinailalim muna sa "lockdown" ang nasabing simbahan.
Joseph Pedrajas