Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 5,479 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo.
Batay sa case bulletin no. 498 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa naturang mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa 1,548,755 ang total COVID-19 cases ng bansa hanggang 4:00 PM ng Hulyo 25, 2021.
Gayunman, sa naturang kabuuang bilang ay 3.5% na lamang o 5,479 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Kasama dito ang 93.4% na mild cases, 2.3% na severe, 1.63% na moderate cases, 1.4% na critical, at 1.2% na asymptomatic.
Nadagdagan rin naman ng 5,573 pa ang bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umaabot na ngayon sa 1,467,269 ang total COVID-19 recoveries ng bansa o 94.7% ng total cases.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 93 pang pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.
Dahil dito, nasa 27,224 na ngayon ang total COVID-19 death toll ng Pilipinas o 1.76% ng total cases.
Mary Ann Santiago