Pumayag na ang PBA Board na maglaro ang NLEX Road Warriors star na si Kiefer Ravena sa Japan B.League para sa koponan ng Shiga Lakestars.

"The NLEX Road Warriors is happy to announce that an agreement has been reached with the PBA to allow Kiefer to play in Japan B.League for one season. This agreement was reached following discussions with the PBA Board, Commissioner Willie Marcial, NLEX Road Warriors management and Kiefer's camp," ang anunsyo ni NLEX team manager Ronald Dulatre nitong Sabado (Hulyo 24).

Sa kanilang kasunduan, isang season lamang maglalaro si Ravena sa Japan at pagkatapos ng nasabing isang taon, kailangan na niyang bumalik sa NLEX.

Gayunman, sinabi ni Dulatre na patuloy na maglalaro ang dating Ateneo star sa NLEX sa ongoing 2021 PBA Philippine Cup.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kaugnay nito, humingi si Ravena ng paumanhin sa PBA Board sa nalikhana gusot ng naglabasang mga balita sa pagpirma niya sa Shiga Lakestars noong Hunyo 2.

"I've learned a lot since Shiga announced my signing. I should have sought clearance from the PBA. I apologize for any hurt feelings and stress that this has caused the PBA and my team, the NLEX Road Warriors. With that said, I would like to thank the PBA for allowing me to play with Shiga this season," wika ni Ravena.

Nangako naman si Ravena kay PBA Commissioner Willie Marcial na babalik sya sa PBA pagkaraan ng isang taong stint sa Japan dahil kung hindi ay nakatakda itong magmulta.

"Babalik ako. Gusto ko lang ma-experience ang international (I will return. I just want to experience playing in an international league)," sabi umano ni Ravena kay Marcial.

Nakatakdang magtapos ang kontrata ni Ravena sa NLEX sa pagtatapos ng 2021 PBA Philippine Cup at pipirma sya muli sa kanyang pagbabalik.

Nilinaw pa ni Marcial, pagmumultahin ng PBA ang NLEX kaugnay ng pangyayaring ito.

Marivic Awitan