Sinabihan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga sasali sa protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat kumuha muna ng permit sa pamahalaang lungsod.

“Alam naman po natin na merong patakaran o batas na kailangan humingi ngpermitsang mga raliyista sa isang local government unit, and naghintay naman po tayo, and we were able to receive one permit lang po," paglilinaw ni Belmonte.

“So given that one permit, ito pong grupong ito ay nakipagpulong na po sa ating QCPD, at ang QCPD naman po ay naghihintay lang po ng guidelines mula sa IATF," aniya.

Pag-aaralan aniya nila ang formal request at titiyakin nila na masunod angminimum health protocols sa pagsasagawa ng protesta.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Kaagad namang nilinaw ng Department of Interior and Local Government na nasa kapangyarihan na ng mga alkalde ang pagbibigay ng rally permit basta paiiralin lamang ang alituntunin ng Inter-Agency Task Force sa pagsasagawa ng mass gatherings.

Allysa Nievera