Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa ₱2.3 bilyong halaga ng fake na brand items at 'ukay-ukay' o segunda-manong damit sa pagsalakay sa isang bodega sa Valenzuela City, kamakailan.

Sinabi ni telligence and Investigation Service (CIIS)-Manila International Container Port (MICP)chief AlvinEnciso, ikinasa ang pagsalakay nang makatanggap sila ng impormasyon na may nakatagong illegal goods sa isang bodega sa Barangay Maysan sa naturang siyudad.

Nadiskubre sa lugar ang mga pekeng branded na bag na may tatak naLouis Vuitton, Christian Dior, at mga second hand na damit, face masks, at iba pang imported items.

Sinamsam ang nasabing kargamento dahil sa paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

National

Pakikinggan ang mga tao? PBBM, pinagre-resign mga miyembro ng gabinete

PNA