Napanatili pa rin ng bagyong 'Fabian' na may international name na 'In-fa' ang lakas nito habang kimikilossa karagatan ng Batanes nitong Huwebes.
Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 525 kilometro Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bgsong hanggang 185 kph habang kimikilos pa-Kanluran Timog Kanluran.
Isinailalim na ng PAGASA sa signal No. 1 ang Batanes at Babuyan Islands.
Babala ng PAGASA, inaasahang mararanasan ang habagat sa malaking bahagi ng Luzon sa susunod na 24 oras .
Kabilang sa makararanas ng epekto ng southwest monsoon angPangasinan, Tarlac, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro,Metro Manila, the rest of Ilocos Region, Abra, Benguet, Pampanga, Bulacan, Southern Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Northern Palawan, kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands.
Inaasahang kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa susunod na 12 oras at pagkatapos ay kikilos din ito pa-Hilagang Kanluran hanggang Biyernes ng gabi.
Sa pagtaya pa ng ahensya, lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga patungong Mainland China.
Jhon Aldrin Casinas