Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang posibleng pagpapatupadng travel restrictions sa Thailand at Malaysia.
Ito ang isinapubliko ni Presidential spokesperson Harry Roque at sinabing mahigpit na binabantayan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kaso ng Delta coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa dalawang nabanggit na bansa para sa susunod nilang hakbang.
Nauna nang inihayag ni Roque na base sa nakalap na impormasyon, pumangalawa ang Malaysia sa South East Asia na may pinakamaraming active cases ng COVID na nasa 124,593.
Pangatlo naman sa ranking ang Thailand na may 116,135 active cases.
Sa kasalukuyan, umiiral ang travel ban ng Pilipinas sa mga biyahero na nagmumula sa Indonesia, India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang HUlyo 31, 2021.
Beth Camia