Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 6,560 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Miyerkules, Hulyo 21.

Dahil sa naturang mga bagong kaso ng sakit, umabot na sa 1,524,449 ang kabuuan ng nahawaan sa bansa.

Gayunman, sa naturang kaso, 3.1% na lamang o 47,996 pasyente ang itinuturing pang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa aktibong kaso naman, 92.1% ang mild cases, 2.6% ang severe, 1.84 ang moderate, 1.8% ang asymptomatic, at 1.6% ang asymptomatic.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Binanggit ng DOH, naitala rin nila ang 5,364 bagong mga pasyente na gumaling na sa karamdaman.

Dahil dito, umaabot na ngayon sa 1,449,579 ang total recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.

Dumagdag sa listahan ng mga binawian ng buhay ang 32 pang pasyente kaya umabot na sa 26,874 ang kabuuan ng namatay sa COVID-19.

Mary Ann Santiago