Iginiit ni Senator Leila De Lima na ang mga kapalpakan ng administrasyon at ang patuloyna panggigipit sa kanya ang nagbigay ng lakas ng loob upang muli siyang kumandidato bilang senador sa 2022.

"Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022. Tatakbo akong muli. Hindi ako susuko. Tuloy ang laban,” giit ng senador.

Sa kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte, binanggit ng senador na labis umano ang pagbalasubas ng Pangulo sa ating bansa, partikularsa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at ang kapalpakan sa kampanya laban sa droga at ang patuloy na pagbulusok ng ating ekonomiya at ang talamak na korapsyon.

Pagkatapos ng limang taon, at libu-libong mahihirap na iyong pinapatay, wala kang maipakitang resulta. Talamak pa rin ang droga. Sa katunayan, hanggang ngayon may mga nahuhuli pa rin sa iyong mismong siyudad ng Davao, kung saan dapat pagkatapos ng ilang dekada ng paghahari ng iyong pamilya ay wala nang suliranin sa droga,” pagdidiin pa ni De Lima.

Politics

Camille Villar, nagpasalamat kay VP Sara Duterte sa Suporta

Nilinaw pa ng senador na ang naging kasalanan niya kaya ito nakulong ay ang pagsasalita laban sa sunud-sunod na insidente ng extra-judicial killings (EJK) kaya siya pinatawan ng mga gawa-gawang kaso hinggil sa droga.

Gayunman, ang mga nasa likod ng paglaganap ng iligal na droga sa bansa, katulad umano ni Peter Lim ay nananatiling nakalalaya.

Leonel Abasola