Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 5,411 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin no. 491, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,507,755 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang 4:00 ng hapon ng Linggo, Hulyo 18.

Gayunman, sa naturang bilang, 47,190 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa o 3.1% ng total cases.

Sa aktibong kaso, 91.9% ang mild cases, 2.7% ang severe, 1.9% ang asymptomatic, 1.88% ang moderate at 1.6% ang kritikal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakapagtala rin naman ang DOH ng panibagong 5,439 na mga bagong gumaling sa karamdaman, sanhi upang umakyat na sa 1,433,851 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.1% ng total cases.

Samantala, mayroon din namang 117 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng virus.

Sa ngayon umaabot na sa 26,714 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.77% ng total cases. 

Mary Ann Santiago