Papayagan nang sumailalim sa pinaikling quarantine period ang mga Pinoy na galing sa Green countries basta kumpirmadong nakasunod sa mga requirement.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na kalakipng hakbang ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang listahan kaugnay sa Green countries o mga bansang kinikilala ng Department of Health (DOH) bilang low risk areas pagdating sa COVID incidence rate.

"Ang mga fully vaccinated na Filipino at piling indibidwal na tutungo sa Pilipinas mula sa Green countries na ito, ay papayagang sumailalim sa pinaikling quarantine period pagkalapag ng bansa, basta makitang nakasunod sa mga requirement," ayon kay Roque.

Sa update na inilabas ng IATF nitong Sabado, idinagdag sa mga bansang ito ang Azerbaijan, Barbados, Comoros, Curqcao, Dominica, Gabon, Liechtenstein, Mali, North Macedonia at Romania.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inalis naman sa listahan ang Belize, Liberia, Malawi, Morocco, Mozambigue, Rwanda, Saint Kitts at Nevis, Sierra Leone, Senegal, at Zimbabwe.

Ang kabuuang listahan ng Green Countries ay Albania, American Samoa, Anguilla, Antigua and Barbuda, Australia, Azerbaijan, Barbados, Benin, Bermuda, The British Virgin Islands, Brunei, Burkina Faso, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Curacao, Dominica, Eswatini, Falkland Islands, French Polynesia, Gabon, Gambia, Ghana, Greenland, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Iceland, Isle of Man, Israel, Laos, Liechtenstein, Mali, Malta, Marshall Islands, Mauritius, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, North Macedonia, Northern Mariana Islands, Palau, Romania, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Singapore, Sint Eustatius, South Korea, Taiwan, Togo, Turks and Caicos Islands (UK) and Vietnam,” lahad pa ni Roque.

Beth Camia