Aabot pa sa isang milyong doses ng Sinovac vaccine mula sa China ang dumating sa Pilipinas nitong Miyerkules ng umaga.

Sa panayam, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr., dakong 8:00 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 ang Cebu Pacific flight 5J 671 mula Beijing, lulan ang nasabing bakuna.

Sa kabuuan aniya, nasa 21,779,910 bilang ng bakuna ang dumating na sa bansa.

Ipamamahagianiya ang mga ito sa ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila, partikular sa mga lugar kung saan inihinto ang kanilang pagbabakuna dahil sa kakapusan ng supply nito.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Inaasahan pa aniya ng gobyerno na darating pa ang karagdagang1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine sa Hulyo 17.

"Majority of the vaccines will be used as second doses. 'Yung 2.5 (million doses)na 'yan karamihan dyan ay pangsecond dosekasi inaantay na 'yan ng mga probinsya kasi pinaspasan nila 'yungfirst doses," paliwanag pa ni Galvez.

PNA