Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 3,806 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa hanggang nitong Miyerkules, Hulyo 14.

Sa case bulletin No. 487 ng DOH, dahil sa naturang mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 1,485,457 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, sa naturang bilang, 3.0% na lamang o 44,408 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Sa aktibong kaso, 90.0% ang mild cases, 3.5% ang asymptomatic, 2.8% ang severe, 1.95% ang moderate at 1.7% ang kritikal.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Umaabot naman na sa 1,414,817 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na mula sa karamdaman matapos na madagdagan pa ng 6,296 bagong recoveries o 95.2% ng total cases.

Mary Ann Santiago