Kikilos na ang National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin ang alegasyon na mayroong Sinovac vaccines na ipinuslit sa provincial vaccination center sa Northern Samar at dinala sa pribadong bahay ng isang politiko, kamakailan.
Ito ay bunsod na rin ng direktiba ni Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigahan ang mga hindiotorisadong paggalaw ng mga COVID-19 vaccine.
"Kinakailangan makipag-ugnayan ang NBI sa Philippine National Police at sa provincial board ng Northern Samar sa isasagawang imbestigasyon," pahayag pa ni Guevarra.
Beth Camia