Bukod sa 5-day suspension, pinagmulta pa ng Philippine Basketball Association (PBA) ng P75,000 si Magnolia Hotshots Jio Jalalon matapos maglaro sa 'ligang labas' kamakailan.

Paliwanag ni PBA Commissioner Willie Marcial, bukod sa paglabag ni Jalalon sa panuntunan ng liga, nilabag pa nito ang health at safety protocols na ipinaiiral ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Ipinaliwanag ni Marcial na umamin na sa kanya si Jalalon at nangako na hindi na nito uulitin ang insidente.

Nitong Biyernes, naglabas ng kautusan ang PBA na pagmumultahin nila at sususpindihin pa ng 10 na araw ang sinumang manlalaro na lalabag sa protocol.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, nilinaw ni Marcial na hindi pa nila nailalalas ang kautusan nang labagin ni Jalalon ang PBA rules at protocol ng gobyerno kaya binabaan lamang nila ng limang araw ang suspensyon nito.

Matatandaang nag-viral sa social media ang video ng insidente hanggang sa makarating sa kaalaman ng PBA na agad na gumawa ng hakbang upang madisiplina si Jalalon.

Rommel Tabbad at Marivic Awitan