Inihatid na sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi ang labi ng tatlo sa sundalong nasawi sa naganap na plane crash sa Patikul, Sulu noong Hulyo 4.

Ayon kay Lt. Col. Maynard Mariano, tagapagsalita ng PAF, ang tatlong sundalo ay nakilalang siMaj. Emmanuel Makalintal, pilot-in-command ng nag-crash na Lockheed C-130 Hercules plane; Maj. Michael Vincent Benolerao, co-pilot; at Sgt. Jack Navarro, crew member.

Dumating ang labi ng mga ito sa airbase lulan ng military plane, dakong 7:00 ng gabi.

National

ITCZ, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH — PAGASA

Naging emosyonal naman ang mga kaanak ng tatlong sundalo habang ibinababa ang kanilang kabaong mula sa eroplano.

"Tonight, we received three fallen comrades. We gave them arrival honors here at Villamor Air Base. The significance of this is we are giving them respect and we extend our condolences to the family of those who died,” sabi pa ni Mariano nitong Biyernes ng gabi.

Iginawad naman sa tatlong sundalo ang Presidential merit na Order of Lapu-Lapu dahil sa natatanging pagganap sa kanilang tungkulin.

Matatandaangaabot sa 49 sundalo ang nasawi nang bumagsak ang sinasakyang eroplano sa Brgy. Bangkal, Patikul noong Hulyo 4.

Tatlo ring sibilyan ang namatay at aabot naman sa 51 pang sundalo ang nasugatan sa insidente.

Martin Sadongdong