Bago matapos ang 2021 ay mailalabas na ng Korte Suprema ang desisyon hinggil sa legalidad ng Anti-Terrorism Law.
Ito ang tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo kaya naman doble kayod na ang mga mahistrado para makabuo ng draft ng desisyon para sa mga petisyon laban sa batas.
Layunin umano ng nasabing batas na pigilan, ipagbawal at parusahan ang mga naghahasik ng terorismo.
Gayunman, hindi bababa sa 37 ang mga petisyong kumokontra sa Anti-Terrorism Law dahil sa mapang-abuso umano ang nabanggit na batas, at wala anilang lugar sa isang demokratikong bansa, gaya ng Pilipinas.