Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi na akmang gamitin ang mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na iligal na ibinebenta.

Ito ang inihayag ni FDA Director General Eric Domingo at idinahilan na walang katiyakang nahahawakan ito nang maayos at nasa tamang temperatura.

“Hindi na po maaaring gamitin iyon. Hindi mo na kasi alam ‘yung integrity ng cold chain, ng pagha-handle niyan at ‘pag ganyang merong doubt, hindi na po natin pinapayagang gamitin sa tao ang ganyan po na mga bakuna,” wika ni Domingo.

Kaugnay nito, sinabi ni Domingo na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinagkukunan ng mga bakuna para malaman kung ito ay ipinupuslit o kinukuha sa suplay ng gobyerno.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Beth Camia