Muling nagpadala ang China ng bagong meteorological satellite sa planned orbit nito sa Jiuquan Satellite Launch Center sa northwest China, nitong Lunes ng umaga.
Inilunsad ang satellite Fengyun-3E (FY-3E), gamit ang Long March-4C rocket dakong 7:28 ng umaga (Beijing Time). Ito na ang ika-377 flight mission ng Long March rocket series, ayon sa China National Space Administration.
Kargado ng 11 remote sensing payloads, ang FY-3E ang unang world’s meteorological satellite na nag-orbit ng umaga para sa civil service.
Idinesenyo ito na tatagal nang walong taon at tutuon sa pagkuha ng atmospheric temperature, humidity, at iba pang meteorological parameters para sa numerical prediction applications, upang mapabuti ang kakayahan ng China sa weather forecast.
Imo-monitor din nito ang global snow at ice coverage, sea surface temperature, natural disasters, maging ang ecology upang makatugon nang mas maayos sa climate change at maiwasan ang meteorological disasters.
Bukod dito, imo-monitor din ng satellite ang solar and space environments at ang epekto nito, gayundin ang ionospheric data upang matugunan ang pangangailangan space weather forecasts at supporting services.
Binuo ang satellite at rocket ng Shanghai Academy of Spaceflight Technology, na nag-o-operate sa ilalim ng China Aerospace Science and Technology Corporation.
Xinhua