Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi umano sila bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire o mawalan ng bisa sa gitna na rin ng alegasyon ni Senator Manny Pacquiao na may korapsyon sa ahensya.

Binigyang-diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigpit na ipinagbabawal ng mga polisiya, protocol at batas ang pagbili ng mga gamot na malapit nang mapaso.

Ipinaliwanag niya na ang maaari lamang tanggapin o bilhin ng DOH ang mga gamot na mayroon pang shelf life o tatagal pa ng mula 18 hanggang 24 buwan.

Sa panahon naman umano ng public health emergency gaya ng coronavirus pandemic, maaaring bumili ng mga gamot na mayroong 12-month shelf life.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

“I can say na wala po kaming mga ganyan na nabibili na mga supplies or mga gamot because we are following the existing policies and laws of government,” ayon pa kay Vergeire sa isang pulong balitaan.

Nauna rito, ibinunyag ni Pacquiao na may nagaganap na korapsyon sa DOH, gayundin ang umano’y pagbili ng ahensya ng mga gamot na malapit nang sumapit sa expiration dates nito.

Mary Ann Santiago