Inaasahang magpapaulan sa Metro Manila at 11 pang lugar sa bansa ang namataang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Sa abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang sama ng panahon na namataan sa Silangan ng Mindanao ay nasa layong 1,095 kilometro Silangan ng Mindanao.

Inaasahang kikilosito pa-kanluran at posibleng pumasok ito sa Pilipinas sa pagitan ng Sabado at Linggo, ayon kayPAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.

Maapektuhan ng pag-ulan ng LPA angQuezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Visayas.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng flashfloodat landslide sa mga tinukoy na lugar.

Ellalyn De Vera-Ruiz