LAGUNA - Dalawang umano'y miyembro ng New People's Army (NPA) ang inaresto ng militar at pulisya kasunod nang isinilbing warrant of arrest sa San Pablo City, nitong Biyernes.

Ayon kay  Brig. Gen.  Alex Rillera, commander ng 202nd Infantry Brigade, ipinatupad ng mga tropa ng gobyerno ang warrants of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 63 sa Calauag, Quezon sa kasong kidnapping at serious illegal detention laban kina Christian Relao, alyas Adan, at Danna Mae Marcellana, alyas Isay, kapwa opisyal ng Platun Reymark-Sub-Regional Military Area 4B, sa Barangay San Diego sa nasabing lungsod. 

Aniya, hawak din ng mga arresting team ang warrant of arrest sa kasong rebellion na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 65 sa Infanta, Quezon laban sa dalawa.

"The people's soldiers remain committed to working with our counterparts in order to ensure these communist terrorists answer to the law," ayon pa kay Rillera. 

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Danny Estacio